Pagkatapos naipasa sa Kongreso ang LORA sa pangunguna ng ACT TEACHERS PARTY list ay naging positibo ang tugon ng halos Lahat ng grupo ng mga EMPLEYADO ng GOBYERNO na dumalo sa ginawang consultative miting kahapon.( Jan 21,2021) sa Committee on Government Enterprise chaired by Sen.Revilla represented by ComSec Ms. Jane M. Arzadon.
Nagkakaisang nagpahayag ng kanya kanyang POSISYON ng pagsuporta sa senate bill na pagpabor na ibaba na ang optional retirement mula sa ngayon ay 60yrs old at kagyat na makuha din ang pension.
1.Nagkakaisa na sapat na ang mahigit 30taon na paglilingkod sa GOBYERNO at dapat Naman ay magtira ng Ilan pang taon para ma enjoy ito at hindi lang sa mga gamot mapunta ang pinagpaguran ng mga gurong retirado.
2. Nagkakaisa din ang grupo ng mga GURO na hirap ng makaagapay sa takbo ng teknolohiya, laki ng bilang ng mga estudyante sa isang klase,at ang paraan ng pagdidisiplina na dinagdagan pa nga ng mga regulasyong pahirap kay mam at sir.
3.Gayun din napaabot natin ang kasalukuyang kalagayan na nasa Pandemya Tayo na mas lalong nagpapahirap na magampanan ng buong buo ang kanilang tungkulin.
4.Napag usapan din ang POSISYON ng GSIS na lagit lagi ay ang Actuarial ang sinasangkalan kung kagyat naghingi ang committee ng updated financial status ng GSIS.Muli ay naungkat din ang mga MATAAS na Sahod, perks allowances ng mga opisyal ng GSIS.
Hiling ng mga GURO sa pangunguna ng ACT na Sana ay maipasa na counterpart bill na Ito sa senado upang tuluyan ng maramdaman ng mga pampublikong mga EMPLEYADO ang malasakit ng GOBYERNO at maranasan man lang nila ang konting ginhawa sa buhay.
#LoraIpasaSaSenado
#YesToLoweringOfOptionalRetirement
Source: QCPSTA Teachers Facebook Page
0 Comments